Monday, February 9, 2009

The gift of life is nurtured in the family

That is the theme of our Parish Fiesta this year. The celebrations culminated yesterday by a high mass officiated by his Excellency Bishop Honesto Ongtioco of the Cubao Diocese. The parish offered novena masses during the week-long celebrations wherein each Ministry was asked to send a representative to give a brief sharing/reflection at each Novena Mass after the communion. My eldest son Migo was requested to speak in behalf of the Youth Ministry. What follows is the full text of his message.

Magandang Gabi po sa inyong lahat. Ako po si Miguel Jose. Ako po ay kasapi sa Knights of the Altar at Youth For Christ dito sa ating parokya. Ang Topic ko po ay "The children is the gift of life. They are nurtured by their fathers and mothers. What then is the role of sons and daughters in the family?" Ako po ay magbibigay ng response in behalf of the Knights of the Altar.

Ano nga po ba ang role o ang dapat gampanan naming mga anak sa aming pamilya?

Ang pamilya daw po ang domestic church o munting simbahan. Ang mga magulang ay may dapat gampanan sa munting simbahan. Kaming mga anak ay may dapat ding gampanan sa munting simbahan, Ang pinakaimportante dito ay Honor thy Father and thy Mother . Ang pag honor ng mga magulang ay hindi lamang sa pagsunod sa utos nila. Kailangan mag-paka Kristiyano kami sa aming pamumuhay o pang araw-araw na gawain.

Ino-honor ko po ang mga magulang sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, pagseserve sa simbahan, pagtulong sa kapwa, pag-iwas sa masasamang barkada, pagpili ng tamang kaibigan, pag-tulong sa bahay, pagdarasal araw-araw, pag-bigay ng pasaasalamat sa Panginoong Diyos at pagsunod sa payo ng aking mga magulang.

Ang pagiging Kristiyano sa isip at sa gawa ay ang pinakamagandang paraan ng pag-honor sa ating mga magulang. Si Hesu Kristo po ay nag honor sa kanyang mga magulang na si St. Joseph at Mama Mary. Kaya si Hesu Kristo ang aming modelo sa Holy Family. Pag na-honor naming ang aming mga magulang sa aming gawain, naparangalan din po namin ang ating Panginoon.

Paparangalan din po naming ang lahat ng mga magulang sa inyo. Tinitingala po naming kayo upang maging gabay para sa aming mga bata. Ipagdasal niyo po kami at laging gabayan. Kaming mga anak ay magiging magulang din sa darating na panahon. Nawa ay magampanan namin ang pagiging mabutin Kristiyanong anak. Magandang gabi po muli at Happy Fiesta sa inyong lahat!
/

2 comments:

Anonymous said...

I admire your son. He I pray that he would be an instrument in renewing the face of the earth. God bless you and your family. Happy Fiesta!

WillyJ said...

Romy,
I admire him too. Thanks and God bless you and your family likewise.